🌸 Spring Special: 15% OFF All Hardcover Books ($50+) with code:HAPPYSPRING - Offer ends 3/6
 Dismiss     Learn More
pinterest
qr
book cover

ANG NGITI NI BOGGIE

by Joseph Cemena
116 pages   
fav Add as a Favorite     like Like it
 
8.5"x8.5" - Choice of Hardcover/Softcover - Color Trade Book
Preview Book
Share Book    

About the Book

Ang bawat kuwento ay may kakayahang magmulat ng isipan at magpabukas ng puso—lalo na kung ito’y nagmumula sa tunay na damdamin at malasakit.

Ang "Ang Ngiti ni Boggie" ay isinilang mula sa paniniwalang ang kabaitan ay hindi nasusukat sa laki, lakas, o salita. Minsan, ito’y tahimik. Minsan, ito’y may apat na paa. At minsan, ito’y isang simpleng ngiting hindi kailanman nawala kahit sa gitna ng sakit.

Si Boggie ay isang askal—walang lahi, walang karangyaan, at minsan ay walang tahanan. Ngunit sa kanyang tahimik na presensya, ipinakita niya na ang tunay na halaga ng isang nilalang ay hindi nakikita sa panlabas na anyo, kundi sa pusong marunong magmahal.

Sa pamamagitan ng kuwentong ito, hangad ng may-akda na hubugin ang kamalayan ng mga batang mambabasa—na ang mga hayop ay may damdamin, may takot, at may karapatang mabuhay nang payapa. Nawa’y magsilbi rin itong paalala sa lahat na ang mundo ay nagiging mas mabuti kapag pinipili natin ang kabaitan kaysa pananakit.

Ang..

Features & Details
Created on: Mar-01-2026   Last updated:  Mar-01-2026
Format: 8.5"x8.5" - Choice of Hardcover/Softcover - Color Trade Book
Theme: Children    Privacy: Everyone
Preview Limit: 116 Pages
 
About Author
author icon Joseph Cemena
Joined: Feb-02-2024

Si G. Joseph E. Cemena ay isang propesyonal na guro at kasalukuyang "Filipino Subject Area Supervisor" sa pribadong paaralan ng Unida Christian Colleges, sa Imus Cavite. Nagtapos siya ng kursong Batsilyer ng Edukasyong Sekondarya medyor ng Filipino sa kolehiyo ng ICCT Colleges, Cainta Rizal. Gayundin, natapos niya ang yunit para sa master’s degree ng/sa Filipino sa Dela Salle University – Dasmariñas.

Taong 2018, Ginawaran siya bilang “Teacher of the Year” sa paaralan ng Unida Christian Colleges. “Excellent Performance” (2019). “Top Performer” (2022). Inspirational Poem of the Year (2022) Instabright. Iconic and Inspiring Professional Educator and Writer of the Year (2022) Alliance of Hospitality and Tourism of the Philippines (AHTOMP).

"Top Performer” (2023) Unida Christian Colleges. "Inspirational Poem of the Year" (2023) Instabright Publication.

“Best Children’s Book of the Year” (2024) Poetry Planet Book Publishing House. “Most Remarkable..

Messages from the author:
 
Reader's Comments     Log in or create an account to add comment for the book.







book_profile