Standard shipping fee to Canada for tradebook products is lower 50%!
 Dismiss     Learn More
pinterest
qr
book cover

Si Bugoy At Ang Kaniyang Mahiwagang Amoy

by Brendel Ugao-Ugao
34 pages    43 reads    0 people's favorite    8 likes
fav Add as a Favorite     like Like it
 
8.5"x11" - Hardcover w/Glossy Laminate - Premium Photo Book
Price: $34.79
Add to Cart      Preview Book
Share Book    

About the Book

Dahil sa pandemya na dumating at patuloy na nananalasa hindi lamang sa ating bansa kundi sa buong mundo, nararapat lamang ng patuloy na maging masaya at bigyan ng kulay ang bawat araw na darating sa ating buhay. Lamang din ang isang batang tulad mo na may alam sa mga bagay na dapat gawin upang mapanatili ang kaligtasan mula sa CoViD-19.

Ang “Si Bugoy at ang kaniyang Mahiwagang Amoy” ay kuwentong kapupulutan ng aral sa buhay. Aral na ang kaligayahan ay hindi nasusukat sa ganda at kaayusan kundi pati sa mga bagay at lugar na hindi mo inaasahan. Aral na sa kabila ng kapayapaan ng iyong kaisipan ay dapat maging laging handa sa anumang bagay. Aral na dapat ikaw, maging bata man o matanda ay ang siyang may hawak ng iyong kaligtasan mula sa anumang kaganapan.

Ang kuwentong ito ay isinulat para maging kagamitan sa pagbubukas ng kamalayan ng mga kabataan sa pandemya na ating hinaharap, na sa kabila ng pagiging kampante natin ay dapat maging alerto tayo at isipin lagi na nasa paligid..

Features & Details
Created on: Feb-01-2022   Published on: Feb-01-2022
Format: 8.5"x11" - Hardcover w/Glossy Laminate - Premium Photo Book
Theme: Children    Sales Term:  Everyone
Preview Limit: 3 Pages
 
About Author
author icon Poetry Planet
Joined: Feb-28-2018

Si BRENDEL UGAO-UGAO ay ipinanganak at lumaki sa bayan ng San Antonio, lalawigan ng Zambales. Ikalawa sa tatlong magkakapatid. Nagtapos ng kaniyang pag aaral ng elementarya sa Dirita Elementary School taong 1999 at sekondarya sa Zambales Academy taong 2003. Dahil hirap makapagkolehiyo ay pinili niya na mamasukan bilang isang service crew sa Bigfoot Restaurant hanggang sa makapag ipon at makapag simulang mag aral ng kolehiyo.

Taong 2005 ng siya ay mag enrol sa President Ramon Magsaysay State University (formerly Ramon Magsaysay Technological University). Sa pagsisikap nila ng kaniyang ina ay nakapagtapos siya ng Bachelor of Elementary Education taong 2009 at naipasa ang kaniyang Licensure Examination for Teachers sa parehong taon. Ipinagpatuloy niya ang kaniyang pag aaral at nakapagtapos ng Master of Arts in Education-Major in Educational Management taong 2020 sa Graduate School ng President Ramon Magsaysay State University-Castillejos Campus.

Una siyang nagturo sa Precious Child..

Messages from the author:
 
Reader's Comments     Log in or create an account to add comment for the book.







book_profile
*