Adhika ng aklat na ito na malinang at mahikayat ang mga mambabasa na magustuhan ang iba’t ibang tula na binigyang buhay ng manunulat. Nakapaloob dito ang isandaang tulang kapupulutan ng aral, magbibigay inspirasyon at pag-asa na tatagos sa puso’t damdamin.
Gusto ng may akda na huwag kalimutan ang mga tula na sumasalamin sa diwang makabansa. Kaya naman sinikap niyang tipunin at paganahin ang kanyang isipan na makabuo ng mga de-kalidad na tula.
Poetry Planet Joined: Feb-28-2018 |
Isa siya sa mga contributor sa Modern Teacher magazine, ang kinikilalang magazine ng mga guro sa buong bansa. Bukod dito nailathala din ang kanyang mga likha sa Deped Zambales Journal, ang opisyal na magazine ng Deped Zambales, CLRAA Bulletin, The Art Prof Magazine, Ang Mandaragit (School Paper of Pamatawan I/S), at Borotoy’s Jambo Journal, ang opisyal na Journal ng 17th National Jamboree.
Sumali rin siya sa mga patimpalak sa iba’t ibang page ng tula sa Facebook. Kinilala rin siyang Makata ng Taon 2020 sa page ng Poems Not For Stella. Talaga namang isang Makatang Guro si sir Rommel.