Bawat bata ay may likas na talino at galing, kapag hinubog ay siguradong magtatagumpay sa buhay.
Ang kuwentong ito ay naisulat para sa mga mag-aaral ng Ikatlong Baitang. Alam natin na ang mga bata ay likas na mapagmahal sa hayop kaya kalimitang sa kuwentong pambata, ang mga tauhan ay hayop.
Ang Pulang Ibon ay nabuo upang linangin at paunlarin ang kasanayan ng mag-aaral sa pagbasa at pagtukoy ng mga pangunahing ediya.
Ang kuwentong ito ay kapupulutan ng aral na ang isang bata. Dapat ay marunong makuntento kung ano ang mga bagay na ibinibigay ng kanyang mga magulang, at dapat marunong magpasalamat sa anumang biyayang mayroon siya.
Bilang manunulat naniniwala ako na sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga bata sa mga kuwentong katulad nito ay mahuhubog ang kanilang pagkatao upang maging matagumpay paglaki nila.
Poetry Planet Joined: Feb-28-2018 |