Si Don ay isang batang inuubos ang kanyag oras sa paglalaro at panonood habang ang kanyang ina ay pagod sa paghahanapbuhay at pag-aasikaso sa kanya. Napagtatanto naman ni Don ang kanyang pagkakamali nang magkasakit ang kanyang ina.
Ang kuwentong ito ay isinulat upang magbigay pugay sa sakripisyo na ibinibigay ng mga magulang para sa kanilang mga anak at upang magbigay aral sa mga anak na maging masipag at tumulong sa lahat ng pagkakataon.
Poetry Planet Joined: Feb-28-2018 |
Si CAMILLE Y. IDOLOR ay nagtapos ng Batsilyer sa Edukasyong Elementarya (cum laude) sa Philippine Normal University, National Center for Teacher Education, Manila at kasalukuyang tinatapos ang kanyang Doktor ng Pilosopiya (Ph.D) sa parehong unibersidad. Siya ay isang dalubguro sa isang paaralang elementarya ng Lungsod Quezon. Isa rin siyang tagapagsalita, manunulat, tagapayo at mananaliksik. Nakapaglahad din ng kanyang papel-pananaliksik sa pambansa at pandaigdig na komperensiya.