Mga obrang naging daan upang palakasin ang loob ng may akda, nagbigay buhay para mailabas mga saloobing hindi mabitawan, mga damdaming puno ng kalungkutan, ngunit sa dulo ng bahaghari ay natagpuan din ang tunay na kaligayahan. Mga tulang nagbibigay pag-asa at kalakasan para sa taong nagugulumihanan, inspirasyon sa likod ng kabiguan, at katahimikan ng puso sa kabila ng mga pagsubok sa buhay. Diyos Ama ang susi sa lahat ng paglalakbay at sa bandang huli ay masusumpungan ang kapayapaang nasa Dulo Ng Bahaghari.
![]() |
Poetry Planet Joined: Feb-28-2018 |
Si Annaliza Villegas Aquino ay ipinanganak sa Laoac, Pangasinan noong ika-9 ng Disyembre taong 1980. Siya ay may dalawang anak na sina Lucille Anthonette at Marc Regienald. Ang kaniyang ama na si Anacleto Aquino ay maagang pumanaw kaya ang inang si Lucita V. Guillermo ang nagtaguyod sa kaniya. Nagtapos ng elementarya sa CASCALINTA elementary school at sa University of the East, UE Recto, Manila ng sekondarya. Nagaral ng Civil Engineering sa MAPUA Institute of Technology ngunit naka apat na taon lamang. Nagtrabaho ng siyam na taon sa Hongkong mula 2011 at napagpasiyahang umuwi noong Disyembre 15, 2020 para makasama ang kabiyak sa buhay na si Cipriano I. Columbino, Jr.