Ang aklat na ito ay ginawa para sa mga batang nagnanais matutong bumasa, mula sa edad na 4 hanggang 6 upang makatulong na malinang ang kakayahan sa pagkilala ng titik at tunog na bumubuo sa mga salita.
Ang pag-aaral sinimulan sa mga patinig at sinundan ng mga titik ayon sa pagkakasunod-sunod sa Alpabetong Filipino. Ang bawat titik ay may makukulay na larawan upang makuha ang atensyon ng magbabasa at makakatulong upang madaling makilala ang mga susing salita. Ang mga Pagsasanay ay makakatulong rin upang mas lalong mahasa ang kasanayan.
Pangunahing layunin ng may-akda na makatulong sa bawat bata na maging isang malayang mambabasa at patuloy na magkaroon ng interes at pagmamahal sa pagbabasa.
Sa pakikiisa at pakikipagtulungan ng mga guro at magulang, magiging madali ang pagbabasa!
Poetry Planet Joined: Feb-28-2018 |