Sa maagang pag-iral pa lamang natin sa mundo, hindi maikakailala na iba-iba ang kalagayan ng ating isip, puso, laman, at kaluluwa.
Pilit na inaabot ng ating kamusmusan ang kama-layang sasalba sa bawat paghinga. At patuloy na paghakbang na maitawid ang bawat araw bitbit ang kakarampot na pag-asa.
Ang mga sunod-sunod o sabay-sabay na pigil-hinihang hilahil ay isang pakikidigma at paghahanda na matamo ang dakilang paglikha sa tulong ng ating Tagapaglikha. Ang malalim na ugnayan ng mga bagay at makahulugang pakikipag-ugnayan sa sanlibutan ang sandata upang maging matibay.
Ang pagpaslang ng sariling kahinaan tulad ng lungkot, poot, at takot ang simula ng pagtais ng kaalaman, kamalayan, at karanasan tungo sa matatag na pagbabagong anyo ng katauhan.
Ang madalas na pag-iisa ay indikasyon ng higit pang pagsusumikap, matiyagang paghihintay, at walang sawang pagdarasal. Ang dahilan ng ating pag-iral ay isang adbokasiya, pagtatag ng mga bagay na nagbibigay buhay na ang sentro ay..
![]() |
Poetry Planet Joined: Feb-28-2018 |