Ang aklat na ito ay koleksiyon ng mga tula ng mga idyoma o sawikain. Nawa ay maging inspirasyon ito ng iba pang manunulat na ang mga idyoma ay maaaring maunawaan pa ang kahulugan sa pamamagitan ng makulay na pagpapahayag sa paraang patula at magsilbing inspirasyon sana ang mga ito sa buhay ng bawat mambabasa.
![]() |
Poetry Planet Joined: Feb-28-2018 |
Si Marieneth Tomas ay isang simpleng guro ng Paaralang Elementarya ng Pila, Pila, Laguna. Siya ay sampung taon nang nagtuturo ng asignaturang Filipino at sampung taon nang SPA School Paper Adviser sa Filipino sa Pila E/S.
Sa pagdiriwang ng kanyang ikasampung anibersaryo sa pagtuturo ng asignaturang Filipino sa ika-anim na baitang sa Paaralang Elementarya ng Pila, Pila, Laguna, naisip ng awtor na maglathala ng kanyang kauna-unahang aklat.
Layunin din niyang maipagpatuloy ang diwa ng pamamahayag sa kabila ng pagkakaantala ng taunang Campus Journalism Conference ng DepEd dahil sa pandemya.
Kaugnay nito, ang kanyang talentadong tagaguhit sa pisara sa silid-aralan at editorial cartoonist sa pampaaralang pahayagan sampung taon na ang nakaraan na si Princess Julie R. Noroña ang napiling ilustrador ng awtor sa kanyang aklat.
SI Marieneth ay nagtapos ng kolehiyo sa Colegio de San Juan de Letran Calamba ng Bachelor of Arts in Education with Specialization in Preschool Education at..