Minsan napakarami nating mga problema, n=mga sigalot, at pagdurusa. Ngunit salamat na lamang sa Diyos at natuto ang mga tao na humingi ng tulong o sa makatuwid baga’y kusang tumulong.
Minsan din naman, ang buhay ay punong-puno ng biyaya. Ika nga ay “siksik, liglig, at umaapaw” na biyaya ang dumadaloy sa buhay ng isang tao. Salamat na lamang din sa Diyos at natuto ang mga tao na makiramay sa iba at magbahangi ng tagumpay nila.
Ganito ang mga tulang nakolekta ko sa panahon ng pandemya. Halo-halo ang mga damdamin na nakapaloob sa aklat na ito.
Mayroong ilang Ingles na nakasama. Hindi ko inaaring isang karangalan ang aklat na ito sapagkat sa Diyos lamang dapat mapunta ang lahat ng karangalan sa buhay ng isang tao.
![]() |
Poetry Planet Joined: Feb-28-2018 |
i Wilmer Joel S. Decano ay isang multi-awarded na public school servant, guro, tagapagsalita, mananaliksik, at isang volunteer sa Rizal, Republika ng Pilipinas.
Siya ay isang Master Teacher sa Exodus Elementary School. Schools Division of Rizal mga labinlimang taon na hanggang ngayon.
Siya ay naging demonstration teacher sa iba’t ibang mga trainings sa iba’t ibang baytang sa distrito, dibisyon. National, at intenational na palihan.
Siya ay nagkaroon ng maraming karangalan tulad ng mga sumusunod: First Runner-Up GURONASYON Search for the Most Outstanding Elementary Teacher in 2017, Gawad Pat (2018), Gawad Panulat Award (2018), Gawad Sikhay Award 92018), Asian Achiever Award (2018), Most Outstanbding Red Cross Volunteer.