Ang libro ay pinamagatang “1sang Salita” dahil nakapaloob dito ang mga tula na nasa anyong malayang taludturan upang ipahayag, isalaysay, at ilarawan ang pagmamahal mula sa sarili, kaibigan, kasintahan at maging mga hindi kakilala.
Ang larawang nakapaloob sa pabalat; isang nilalang na naging malaya dahil sa pinagkait na pagmamahal mula sa naudlot na pag-ibig, nabigong pag-ibig, at hindi itinakdang pag-ibig. Ang kanyang paligid ang naging kaagapay upang maging kaibig-ibig mula sa kanyang mga imahinasyon at karanasan, at mga kuwentong-pagibig mula sa kaibigan, pamilya, at maging sa mga hindi kakilala.
Ang kulay asul na naisa itaas ng unang larawan ay simbolismo ng pagmamahal ng Diyos, ang kulay luntian naman simbolismo ng pagmamahal na nasa tao, at kulay-dilaw naman bilang pagmamahal ng mga bagay na nasa paligid. Ang kulay-pula na kabuuang pabalat ng libro’y nangangahulugan tunay na pagmamahal na hindi kailanman lumilipas.
![]() |
Poetry Planet Joined: Feb-28-2018 |
Siya ay kasakuyang guro sa junior high school sa Sisa Feliciano Memorial High School mula Agosto 2018. Siya ay naging guro rin sa senior high school at kolehiyo sa Central Bicol State University of Agriculture-Sipocot mula Hunyo 2017-Abril 2018. Siya ay pinanganak noong Hunyo 26, 1996 sa South Centro, Sipocot, Camarines Sur. Siya ay nag-aral ng elementarya sa Sipocot North Central School at nagtapos bilang Achiever”. Siya ay nag-aral ng sekondarya sa Felix O. Alfelor Sr. Foundation College, Nazareth Institute of Learning and Formation Inc. at nagtapos sa Bahay Provincial High School bilang Salutatorian. Siya naman ay nag-aral ng tersarya sa Central Bicol State University of Agriculture-Sipocot sa kursong Bachelor of Secondary Education Major in Filipino bilang Cum Laude.