Ang mga akda sa maikling aklat na ito ay kuha sa mga piling journal at literary notebook na naisulat ng manunulat noong nasa ika-pito hanggang ika-siyam na gulang pa lamang siya at noo’y nasa antas tersyarya. Sa panahon ding iyon siya nagsimulang magsanay sumulat ng iba’t ibang akdang pampanitikan sa wikang Filipino at Ingles. Upang mapanatili ang noong diskarte at istilo sa pagsulat ng manunulat. Hiniling nito na huwag galawin, baguhin o palitan ang ano mang bahagi ng orihinal niyang piyesa. Samakatuwid, ang mga tula at prosa sa aklat na ito ay hango mismo sa orihinal at nailimbag ng hindi dumadaan sa masusing pagsusuri.
![]() |
Poetry Planet Joined: Feb-28-2018 |
Si Edison Dizon ay isang guro, artista, manunulat,
tagapagsanay, motivational speaker at educational consultant.
Siya ay nakapagtapos ng Master of Arts in Education at
Professional Degree in Higher Education Studies mula
Concordia University sa Canada at ngayon ay nag-aaral ng
pagdo-doktor. Nakapagtamo rin siya ng iba’t ibang
parangal tulad ng Outstanding Teacher at “Classroom
Superhero”. Nakadalo na rin siya sa mga iba’t ibang
seminar-workshops at nakapaglimbag ng iba’t ibang lokal at
international na artikulo at dyornal sa edukasyon. Siya ay
kasalukuyang naninirahan sa Angeles City kung saan
masaya niyang ginagawa ang kanyang mga hilig tulad ng
pagbabasa, paglalakbay, at higit sa lahat paglalaan ng
makabuluhang oras sa kanyang pamilya.