Ang aklat na ito ay inihanda para sa mga batang nasa ika-anim na baitang. Binuo ang aklat na ito upang sa murang isipan ay bigyang inspirasyon ang bawat mambabasa at sinumang kabataan ukol sa katuparan ng kani-kanilang mga adhikain anuman ang balakid na kanilang kinakaharap.
Bagamat tinatalakay sa istoryang ito ang isang kilalang karamdaman, inu-udyok ng may akda na magkaroon ng bukas na isipan ang bawat mambabasa tungkol sa pagkakapantay-pantay ng karapatan, sa paaralan, komunidad, at oportunidad ng sinuman na may hangad abutin ang kaniyang pangarap.
Inaasahang sa pamamagitan ng interpretasyon ng istoryang ito, ay maging mas sensitibo ang sinuman sa pagtrato ng sinumang may kapansanan, at kilalanin base sa pag-uugali, kakayahan, at abilidad na isakatuparan ang mga bagay na imposible para sa karamihan.
Anomang pagkakahilintulad ng istoryang ito sa buhay ninuman ay di sinasadya at pawang batay lamang sa nabasa.
Poetry Planet Joined: Feb-28-2018 |