“Sandaang Kabibe sa Dagat”. Ang buhay nga naman ng tao ay puno din ng mga pighati, pagdurusa at pagsubok. Tunay nga na ang buhay ay tulad ng mga kabibe sa dagat. Kapag nakakaranas ng dagok sa buhay, lagi mong naiisip na sana ay kagaya ng dagat ay tuluyang anurin ang lahat ng suliranin sa buhay. Ang mga kabibe minsan ay nagsisilbing sagabal sa iyong paglalakad sa mabuhangin na dagat na kung saan sa oras na dumarating na ang alon at pumapagaspas ay naisasama nito ang mga nakahambalang na mga kabibe.
Poetry Planet Joined: Feb-28-2018 |
Isang tubong San Lorenzo Mexico, Pampanga ang may akda ng aklat na si Raymond Hernan Salas na ipinanganak noong September 10,1986. Siya ay isang lisensyadong guro at kasalukuyang nagtuturo bilang Junior High School Teacher sa Diosdado Macapagal High School Division of Pampanga, College Instructor sa Holy Cross College at Lecturer sa Protech Review Center sa kanilang probinsya. Nakapagtapos siya ng Master of Arts in Education, Bachelor of Secondary Education in English (BSE-English), Bachelor of Secondary Education in Filipino at kasalukuyang nagaaral ng Doctor of Philosophy in Educational Leadership and Management. Kabilang sa mga parangal na iginawad sa kanya ay ang mga sumusunod: Doctor of Literature at Doctor of Humanities in Social Works Honoris Causa na iginawad ng Theophany University, Republic of Haiti; Global Teacher Award, Outstanding Teacher of the Region, Excellence Award as a Teacher, Global Humanitarian award, Outstanding Published Writer of the Region at Excellence..