Ang aklat na ito ay tumatalakay sa pagpupunyagi at pakikipagsapalaran ng apat na damdamin. Magkakaibang landas pero sa pagdapa ay muling babangon at uusbong ang bagong simbolo ng katatagan at kalayaan. Katuparan ng mga pangarap, kapayapaan ng puso at diwa, saksi sa pintuang isinara ngunit napagbuksan ng maliit na bintana para pumasok sa malawak na paglalakbay ng bagong buhay.
Ilang beses mang madapa ay huwag na huwag mawawalan ng pag-asa, sisikaping bumangon at imulat ang mga mata dahil sa dulo ng gabi ay may liwanag na naghihintay.
Poetry Planet Joined: Feb-28-2018 |