Sa bawat pagpatak ng ulan, siya ring pag-agos ng mga luha. Pakiwari ko’y nag-uumpisa nanamang umiyak ang kalangitan sa labis nitong kalungkutan. Kung saan bumabalik lahat ng mga malulungkot na ala-ala ng nakaraan.
Luha—simbolo ng mga masasaya at malulungkot na ala-ala, mga panahong hindi na maibabalik pa.
Tubig sa kalangitan — minsa’y naging simbolo ng mga unos at paghihirap na ating naranasan sa buhay.
Ngunit gaano man kalakas ang ulan, Titila rin ito sa oras na sumikat ang sinag ng araw na hudyat ng bagong pag-asa. Mga bahagharing magbibigay ng kulay sa malungkot at madilim na mundo. Hindi natin hawak ang panahon, tulad ng buhay, kailangan nating harapin at lampasan lahat ng mga problemang darating. Hindi man natin mabago ang nakaraan, kaya naman nating baguhin ang kasalukuyan.
Sa kabila ng ating mga pinagdaanan, nawa’y maibsan ng mga dagli at maikling kwento sa maikling aklat na ito ang inyong dinadalang pait at paghihirap sa buhay. At makita ang liwanag at..
![]() |
Poetry Planet Joined: Feb-28-2018 |